Masasabi ‘kong ayos naman ang
field ng San Beda Rizal dahil malaki rin naman ang sakop nito. Kaso ngalang,
drought na drought ang dating ‘pag tag-init na, r
ice field naman kung tag-ulan. Mabibighani ka pa sa kayamanang taglay nito, isa na ang
nakalobong patay na palaka na nakalupasay lang sa kung saan habang ang team mo ay nagwa-warm up.
Walang bluegrass na makikita dito, pero may mga
talahib at damong ligaw naman na sumusulpot lang sa kungsaan.
Nung Biyernes, isa ako sa masasayang mga tao ng mundo. Nag-I love you, too sakin ang anim na taong gulang kong nobyo. Masaya na’ko n’on. Isa na ‘kong ganap na [ipasok dito ang Filipino counterpart ng salitang 'Pedophile']. Sinabi na rin sa’kin ni Raphael ang e-mail address at password ng kanyang Friendster account.
E-mail: rgatchalian@hotmail.com
Password: ******
Siyempre, bawal sabihin.
Lagi akong nakakatulog ‘pag BrewRATs na. Ewan ‘ko ba. Siguro dahil do’n sa binabasa ‘kong Baedecker na wala ka namang mapapala ‘pag binasa mo. Ano nga bang koneksyon ni King Arthur sa kinabukasan ko? Bibigyan ba niya ako ng milyones? Aanakan ba niya ‘ko? Pagiginhawain ba niya ang buhay ko? Malay ‘ko. Basta isa siyang fictional character.
Patapos na’ko sa Angels & Demons ni Dan Brown. Masasabi kong ‘di siya magaling sumulat ng romance at comedy. Pilit niyang pinagtatambal sina Robert Langdon at Vittoria Vetra, ngunit ‘di ko parin maramdaman ang kapangyarihan ng pag-ibig sa gitna ng dalawa. Pero maganda naman yung kwento, kitang-kita ang kaalamang taglay ng may-akda tungkol sa mga sinaunang sulok ng Roma.
—– —– —– —– —–
Pumunta naman tayo sa mga pangyayari kahapon na tinamad na kong i-post.
Pinag-usapan namin ni Monica na sa McDo kami magkikita. Pagdating ko sa McDo ng Marcos Highway,
hinanap ko kaagad siya ngunit hindi ko siya nakita. Naghintay pa ako
nang ilan pang minuto sa labas (may mga upuan do’n). ‘Di katagalan,
tinext ko na siya at napag-alamang kanina pa pala siya naghihihintay sa’kin sa McDo. McDo Taytay. Wasak. Pinapunta ko nalang siya sa kung nasaan man ako naroroon nung mga panahong iyon. Tawa.
Dumaan muna kami sa isang tianggian kung saan halos bawat merchandise ay ibinebenta sa halagang sampung piso. Bumili ako ng grey-and-white polka dotted cellphone strap. Sulit, naka-diez pesos lang ako.
Nag-jeep na kami ni Monica papuntang LRT Santolan. Nakita namin sila Sofia do’n, tinakbuhan namin. Magiging pabigat na naman kasi e, peace. Tumigil muna kami para bumili ng mga tigve-veinteng pamaypay. At nagpaypayan. Veinte lang, sulit ulit. Masaya kaming pumasok sa istasyon at bumili ng tiket. Nakipaghanapan kami kay Hannah at sabay-sabay nang umakyat para maghintay ng tren papuntang Legarda.
Boo. Ginulat kami ni Charlene na nung mga oras na yon ay kakarating palang.
Pagdating namin sa istasyon ng Legarda, syempre, tinahak namin ang
napakahabang sidewalk patungo sa kolehiyong binahayan na daw ng mga
white lady at istatwang nakikipaglaro sa mga tao do’n pagsapit ng
dilim.
Ayaw kami papasukin ng guard dahil wala kaming pormal na ebidensya na kami nga ay mga Bedistang nanggaling sa ikaapat na rehiyon ng bansa. Alam ko corni na. Pero tuloy pa rin ang kwento. Sabi ni Charlene, kakantahan nalang namin sila ng Bedan Hymn, ayaw nila. Ire-recite nalang sana namin yung Vision-Mission Statement ng San Beda College, pero ayaw pa rin nila. Napilitan nalang kaming sumulat sa papel nila at pumatay ng oras.
Walang tsuper yung coaster na inorder ni coach, kaya napilitan kaming bumiyahe papuntang International School of Manila sakay ng taxi. Madaya. Sinisingil kami ng 200, pero 165 lang naman ang nakalagay sa metrong tinakpan pa niya ng trapo. Dahil apat kami, binayaran nalang namin siya nag tigcu-cuarentay-singko. Solb.
Malaki yung ISM, at mas mukha pa itong opisina ng isang malaking kumpanya kaysa paaralan. Astig nga e, yung mga tao nag-i-Ingles,
maliban nalang sa mga gwardiya at ilang mga service personnel na
nakasalubong namin. Karamihan ng mga nakasakay sa sasakyang
dinadaan-daanan lang kami ay banyaga. Boy, Buwan ng Wika ngayon.||:
Pinapunta kami ng mga gwardiya sa isang liblib na football field. Nakabibighani (*isa ito sa mga malalalim na salitang minsan ko lang magamit) ang ganda ng lugar, malalaman mo kaagad kung ang mga mag-aaral ng higanteng pook na ito ay laking aircon o urban poor lang. Totoong damo ang ang nakalatay sa field nila, ‘di tulad ng mga ligaw na damo na sa Kolehiyo ng San Beda Rizal mo lang makikita.
Nagsimula ang laban. Pinasok ako bilang Striker. Nagkamali sila, hanggang papel lang ng Defender ang kaya kong gampanan. Bobo na ako pagdating sa iba. Akala ko, bilang Striker, tungkulin kong habulin ang bula at pumunta sa lugar na gusto kong puntahan, mali pala. "DU’N KA LANG KASI SA TAAS!", sigaw ni Ate Sam. Hala, galit na.
May tatlong beses na sana kaming naka-goal, kaso laging lumalampas dun sa goal. Sana nakakalakad nalang yung net.)):
Panalo ang San Beda! San Beda Alabang. 9-0 ang score, pero sabi ni Ate Shen, sabihin nalang daw namin 3-4, panalo. Kaso talo talaga. Kumain muna kami ng meryienda, pagkaing inihain ni coach. Maraming salamat, coach. Medyo limang oras na rin akong ‘di nakakain.
Wala na ‘kong balak ipagpatuloy pa ang kwento. Basta kahapon, unang beses kong nakipagsiksikan sa MRT. Napag-alaman ko ring hinihiwalay ang babae at lalake sa MRT dahil nga masikip. Matagal rin kaming naghintay ni Monica ng jeep papuntang Angono, dahil isa lang ang dumaan sa loob ng isang oras na paghihintay sa istasyon ng Santolan. ‘Di rin kami nakapaglakwatsa sa Market! Market! dahil sa kawalan ng salapi.